3 SAF commandos, patay sa road crash sa Kidapawan City

By Mariel Cruz November 27, 2016 - 10:07 AM

kidapawanPatay ang tatlong miyembro ng PNP Special Action Force sa isang aksidente sa Kidapawan highway madaling araw ng Sabado.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng isang motorisklo ang tatlong biktima at pabalik na sa kanilang headquarter sa Cotabato Police Provincial Office sa Barangay Amas nang maganap ang insidente.

Ayon sa otoridad, bumangga ang sinasakyang motorsiklo ng tatlong SAF commandos sa isang Kidapawan City Call 911 vehicle na nasa kabilang lane ng kalsada.

Agad na binawian ng buhay ang mga biktima matapos ang nasabing insidente.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa pagkakaibang direksyong ang tatlong SAF commandos.

Pero bago pa ang insidente, sinabi ng ilang nakasaksi na palipat-lipat ng lane ang motorsiklo sa kalsada at posibleng hindi nito napansin ang paparating na sasakyan ng Call 911 ng Kidapawan City.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.