Bilang ng isinailalim sa pre-emptive evacuation sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Marce, umabot na sa 1,579 na pamilya

By Mariel Cruz November 27, 2016 - 09:34 AM

evacuation-0815
FILE PHOTO

Umabot na sa mahigit isanlibo at limangdaan na pamilya ang isinailalim sa pre-emptive evacuation sa MIMAROPA, CARAGA, Region 6 at Region 8 dahil sa bagyong Marce.

Ito ay upang maiwasan ang posibleng malubhang epekto ng naturang bagyo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, aabot na sa 1,579 na pamilya o 77,669 na indibiduwal ang kasalukuyang nasa mga evacuation center sa nabanggit na mga rehiyon.

Kaugnay nito, pumalo naman sa 1,993 na pamilya o 10,045 na naninirahan sa isandaang barangay sa Region 6 at CARAGA ang direktang naapektuhan ng bagyong Marce.

Sa nasabing bilang, 567 na pamilya na binubuo ng 2,612 katao ang nananatili sa tatlumpu’t siyam na evacuation centers na nabanggit na dalawang rehiyon.

Malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ang napinsala ng Marce simula nang maging ganap na bagyo ito noong Biyernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.