2 patay sa drug buy-bust operation sa Project 6, Quezon City

police-line-0815Patay ang dalawang hinihinalang drug suspek sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Project 6 sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon kay Supt. Igmedio Bernaldez, hepe ng Quezon City Police Station 2, kinilala ang isa sa dalawang napatay na si “Alias J-R” na kilalang notorius drug pusher sa lugar.

Isang linggo na aniyang naka-surveillance si Alias J-R bago pa ang isagawa ang nasabing operasyon.

Sinabi ng pulisya na nanlaban umano ang mga suspek at nakipagpalitan ng putok ng baril nang sila ay aarestuhin na.

Napatay din sa shootout ang kasama ni Alias J-R pero hindi na idinetalye ng mga pulis ang pagkakakilanlan nito.

Narekober sa dalawang suspek ang dalawang .45 caliber na baril.

Read more...