Batay sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 320 kilometers west ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 105 kilometers per hour.
Patuloy na kumikilos ang bagyo pa hilaga sa bilis na 11 kilometers per hour.
Una nang ibinaba ng PAGASA ang lahat ng tropical cyclone warning signal sa bansa.
Gayunman, patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.
Makararanas din ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, Rizal at Northern Quezon.
Inaasahan na tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Marce mamayang hapon.