Typhoon Hanna, magla-landfall sa Eastern Taiwan, Sabado ng madaling araw, Habagat , titindi

August 06, 2015 - 08:40 PM

hanna pagasaPatuloy na pinapalakas ng bagyong si Hanna ang hanging habagat sa Visayas, Mindanao at Southern Luzon.

Posible umanong maganap ang mga landslides at mga pagbaha dito lalo na MIMAROPA at Masbate.

Ayon pa sa PAG-ASA, dadanas naman ng mga “thunderstorms” ang Metro Manila, Calabarzon at Bicol.

Ayon sa weather.com.ph, bukas ng umaga, inaasahang lalakas pa ito at tatahakin ng bagyo ang North Philippine Sea at tatama sa Silangang bahagi ng Taiwan partikular sa 65 kms sa timog ng Hualein City sa Sabado ng madaling araw taglay ang hanging 200 kilometro bawat oras.

At pagkatapos ay tutuloy malapit sa Xiamen City sa China araw ng Linggo.

Habang lumalapit ito sa Taiwan, inaasahang titindi naman ang hanging habagat sa Western Luzon, kasama ang Metro Manila./Jake J. Maderazo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.