Dayan, namumuhay na ng normal sa isang safe house sa Pangasinan

By Rod Lagusad November 27, 2016 - 04:52 AM

Ronnie DayanMatapos ang ilang buwan na pagtatago sa isang kubo sa La Union, ang sinasabing di umanoy bagman ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan sa illegal drug trade ay ngayon ay namumuhay na ng normal na buhay.

Ayon kay Senior Supt. Ronald Lee police director ng lalawigan ng Pangasinan, ang dating driver-bodyguard at lover ni De Lima na si Dayan ay nanunuluyan sa isang safe house sa probinsya.

Dagdag ni Lee, ang naturang safe house ay may videoke machine at gitara kaya nakakakanta ito.

Si Dayan ay nasa ilalim ng protective custody ng Pangasinan police matapos tumestigo sa congressional hearing noong nakaraang Huwebes.

Matatandaan na nagpalitan ang mga kongresista para tanungin si Dayan na sumentro sa naging relasyon niya kay De Lima na tumagal ng pitong taon.

Sinabi rin ni Lee na recovering si Dayan mula sa arthritis na naging dahilan ng kanyang pagtigil sa pagtakbo sa naging paghabol sa kanya ng pulis na nauwi sa pagkakadakip niya noong Martes sa La Union.

 

 

 

TAGS: La Union, pangasinan, ronnie dayan, safe house, Senator Leila De Lima, Senior Supt. Ronald Lee, La Union, pangasinan, ronnie dayan, safe house, Senator Leila De Lima, Senior Supt. Ronald Lee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.