Sa pahayag ni De Lima, bahagi ng mandato ng Ombudsman ang imbestigahan ang mga akusasyon laban sa mga public officers.
Ayon kay De Lima, inaasahan na niya ang desisyon ng Ombudsman na magsaghawa ng imbestigasyon kaugnay ng di umanoy pagkakasangkot niya sa drug trade.
Tiwala si De Lima sa magiging imbestigasyon ng Ombudsman dahil aniya ito ang pinakapinagkakatiwalaan at pinakarespetadong sangay ng gobyerno at napatunayan na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagiging competent, impartial at kapabilidad nito.
Matatandaan na sinabi ng mga high-profile inmate ng Bilibid at ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa na kumukolekta ng drug money si De Lima sa pamamagitan ng kanyang dating driver at lover na si Ronnie Dayan para sa kanyang pagtakbo noong nakaraang eleksyon.
Kaugnay nito, tumestigo din si Dayan kung saan kanyang sinabi na kumokolekta siya ng pera mula kay Espinosa para kay De Lima.