De Lima, bukas sa imbestigasyon ng Ombudsman

By Rod Lagusad November 27, 2016 - 04:55 AM

de-lima-1123-620x349Bukas si Senator Leila De Lima sa fact-finding investigation ng Ombudsman kaugnay ng mga alegasyon ng pagkakasangkot niya sa ilegal na droga dahil sa ito ay magiging oportunidad para malinis niya ang kanyang pangalan.

Sa pahayag ni De Lima, bahagi ng mandato ng Ombudsman ang imbestigahan ang mga akusasyon laban sa mga public officers.

Ayon kay De Lima, inaasahan na niya ang desisyon ng Ombudsman na magsaghawa ng imbestigasyon kaugnay ng di umanoy pagkakasangkot niya sa drug trade.

Tiwala si De Lima sa magiging imbestigasyon ng Ombudsman dahil aniya ito ang pinakapinagkakatiwalaan at pinakarespetadong sangay ng gobyerno at napatunayan na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagiging competent, impartial at kapabilidad nito.

Matatandaan na sinabi ng mga high-profile inmate ng Bilibid at ng confessed drug lord na si  Kerwin Espinosa na kumukolekta ng drug money si De Lima sa pamamagitan ng kanyang dating driver at lover na si Ronnie Dayan para sa kanyang pagtakbo noong nakaraang eleksyon.

Kaugnay nito, tumestigo din si Dayan kung saan kanyang sinabi na kumokolekta siya ng pera mula kay Espinosa para kay De Lima.

TAGS: Conchita Carpio-Morales, kerwin espinosa, ombudsman, ronnie dayan, Senator Leila De Lima, Conchita Carpio-Morales, kerwin espinosa, ombudsman, ronnie dayan, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.