Inabandonang sanggol sa NAIA, nai-turn over na sa DSWD

By Rod Lagusad November 27, 2016 - 04:39 AM

dswd logoNai-turn over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong buwan sanggol na inabandona ng kanyang nanay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Biyernes.

Nakilala ang ina ng nasabing sanggol na si Vilma Lastima sa pamamagitan ng kanyang passport na kung saan kanyang iniwan ang kanyang anak na si Ahsan sa overseas Filipino worker na si Myrna Bonaobra sa airport.

Ayon sa NAIA Task Force on Anti-Human Trafficking Office, walang nag-claim sa naturang sanggol sa nagdaang maghapon.

Kaugnay nito, na-trace ng nasabing opisina ang contact number ni Lastima, nang ito ay tawagan, ang nagpakilalang kapatid nito ang nakasagot at sinabing pauwi sa kanilang tahanan itro sa Maco, Davao.

Napag-alaman din sa pamamagitan ng mga travel documents ng bata na ang tatay nito ay isang Jordanian national.

Sinabi ng DSWD na kanilang susubukan na mahanap ang nanay ng sanggol sa Davao sa pamamagitan ng kanilang regional office.

TAGS: Department of Social Welfare and Development, NAIA Task Force on Anti-Human Trafficking Office, Ninoy Aquino International Airport, Department of Social Welfare and Development, NAIA Task Force on Anti-Human Trafficking Office, Ninoy Aquino International Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.