3rd round ng peace process ng gobyerno at NDF, gaganapin na sa Rome
By Chona Yu November 26, 2016 - 10:34 PM
Hindi na sa Oslo, Norway kundi sa Rome na gaganapin ang ikatlong round ng peace process sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front.
Ayon kay NDF adviser Luis Jalandoni, ito ay dahil sa hindi na makatatagal sa matinding lamig ang mga matatandang negotiators ng magkabilang panig.
Hindi maikakaila na karamihan aniya sa mga negotiators ay mga senior citizen na.
Sa Enero ng susunod na taon ikinakasa ang muling paghaharap ng dalawang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.