Marcos burial, hindi sapat na dahilan upang maudlot ang peace talks ng pamahalaan at NDF
Hindi sapat na dahilan ang paglilibing sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani para madiskaril ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front.
Ito ay kahit na tutol ang NDF sa naging pasya ng Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing si Marcos sa LNMB.
Ayon kay Government Peace negotiator Silvestre Bello, nakausap niya kahapon si NDF adviser Luis Jalandoni at sinabi nito na mas mahalaga ang pag-uusap sa kapayapaan kaysa sa libing ni Marcos.
Ayon kay Bello, maituturing na heart and soul sa usaping pangkapayapaan ng dalawang grupo ang social at economic reform.
Mahalaga aniya na mabusisi at matugunan ang ugat ng rebelyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.