Duterte, posibleng imbestigahan ng Ombudsman sa diumano’y EJKs
Nagpahiwatig si Ombudsman Conchita Carpio Morales na posibildad na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa diumano’y extrajudicial killings.
Ito ang kanyang ipinahayag sa reunion ng University of the Philippines College of Law nang tanungin ukol dito.
Ani Ombudsman, napag-uusapan na nila at nakikita niya ang maraming posibilidad na maglunsad ng imbestigasyon laban kay Duterte laban sa alegasyon ng extrajudicial killings.
Gayunman, sinabi ni Morales na hindi niya hahawakan ang mga kasong sangkot si Dutrerte.
Ito ay dahil asawa ng kanyang pamangking si Manases Carpio ang anak ng Pangulo na si Sara Duterte-Carpio.
Ipinahayag din ng Ombudsaman na nasa malagim na panahon ngayon ang bansa at pinaalalahanan ito na kailangan nitong balikan ang dalawa sa Sampung Utos na “Thou Shall Not Kill” at “Thou Shall Not Steal.”
Libu-libong suspek ng iligal na droga ang napatay sa mga operasyon ng pulis simula nang inilunsad ng pamahalaan ang gyera konta iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.