Cusi, iniutos na madaliin ang pag-ayos ng nasirang energy assets dahil sa Bagyong Marce

By Chona Yu November 26, 2016 - 01:09 PM

Alfonso CusiInatasan na ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang kanyang mga tauhan na bilisan ang pagkomponi sa mga energy assets na sinira ng Bagyong Marce.
Ayon kay Cusi, pinakilos na niya ang power bureau para agad na maibalik ang suplay ng kuryente.

Base sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines, tatlong transmission facilities ang sinira ng nasabing bagyo.

Ito ay ang Panit-An-Altavas 69 kilovolt line, Panit-An-Nabas 138 kilovolt line at San Jose-Bugasong 69 kilovolt line.

Dahil sa pagkasira ng tatlong transmission facilities, naapektuhan ang suplay ng kuryente sa mga probinsya ng Aklan, Antique at capiz.

Samantala, sinabi ni Cusi na 96 percent nang naibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar sa probinsya ng Cagayan, Isabela, Abra, Kalinga at Apayao sa nagdaang Bagyong Lawin.

Excerpt:

TAGS: Bagyong Marce, energy assets, Energy Secretary Alfonso Cusi, Bagyong Marce, energy assets, Energy Secretary Alfonso Cusi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.