Morales, tiniyak ang imbestigasyon sa umano’y ghost employees ni Duterte noon

By Chona Yu November 26, 2016 - 12:50 PM

conchita-carpio-moralesTiniyak ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na tuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng kanilang hanay kaugnay sa umano’y pagkuha ng ghost employees ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ang mayor ng Davao City.

Ayon kay Morales, gagawin niya ito kahit na may immunity from lawsuit ang Pangulo.

Paliwanag ni Morales, inihain ni Senador Antonio Trillanes IV ang reklamo laban kay Duterte noong hindi pa siya pangulo ng bansa.

Gayunman, hindi lang mabatid ni Morales kung ano na ang status ngayon matapos nag-inhibit siya sa kaso dahil sa ugnayan niya kay Duterte.

Si Morales ay aunt-in-law ni Davao City Mayor Sarah Duterte na anak ng pangulo.

Hindi naman direktang nasagot ni Morales kung iimbestigahan din ng Ombudsman ang umano’y extrajudicial killings na nagaganap sa ilalim ng Duterte administration.

Pero ayon kay Morales, hindi niya isinasantabi ang posibilidad na maimbestigahan ang pangulo dahil sa EJKs.

TAGS: ghost employees, ombudsman conchita carpio-morales, Rodrigo Duterte, ghost employees, ombudsman conchita carpio-morales, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.