Red heavy rainfall advisory, itinaas sa Negros at Guimaras. Yellow sa Panay Island – PAGASA

August 06, 2015 - 07:50 PM

rainfall-englishIsinailalim sa Red Rainfall Warning ng PAGASA ang mga lalawigan ng Negros at Guimaras sa Visayas Region.

Nakaranas na ng mahigit 30mm na buhos ng ulan sa naturang mga lalawigan at inaasahang tatagal sa susunod na 2 oras.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga residente ng dalawang lugar na maghanda sa posibilidad ng pagbaha partikular sa mga bulubunduking bahagi ng dalawang lalawigan.

Samantala, nasa Yellow rainfall alert naman ang Isla ng Panay na nangangahulugan ng banta ng pagbaha sa ilang lugar.

Dumaranas rin ng thunderstorm ang lalawigan ng Bulacan at Metro Manila.

Partikular na naapektuhan ng pag-ulan ang mga lugar ng Obando, Meycauayan at Marilao.

Nakararanas rin ng pag-ulan ang CAMANAVA, Maynila, Novaliches, Upper Caloocan, Parañaque, Taguig, Pasay, Marikina, Antipolo, Tanay, Binangonan, Pililla, Jalajala, Cardona sa lalawigan ng Rizal at mga bayan ng Infanta at Real sa lalawigan ng Quezon na posibleng tumagal ng 2 oras./ Jay Dones 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.