China, bumubuo ng bilateral deal para sa Scarborough Shoal.

scarborough-shoal-satelliteIsang bilateral agreement umano ang binubuo ng China para magkaroon ng access ang mga Pilipinong mangingisda sa bahagi ng Scarborough o Panatag Shoal.

Kinumpirma ng pinuno ng National Institute for South China Sea, Wu Shicun na may nilulutong bilateral deal sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ani Wu ang kasunduan ay maituturing na “wholesale deal” pagamat patuloy itong pinag-aaralan ng Beijing.

Dagdag pa ni Wu, kapag nabuo ang kasunduan ay makakapasok na ang mga mangingisdang Pinoy sa nasabing lugar para makapangisda.

Sa ngayon kasi, tanging sa paligid lamang ng Panatag Shoal pinapayagan ang mga Filipino fishermen.

Kabilang si Wu sa Chinese team na nagsusulong para maibalik ang magandang ugnayan ng China at Pilipinas.

Read more...