China, bumubuo ng bilateral deal para sa Scarborough Shoal.
Isang bilateral agreement umano ang binubuo ng China para magkaroon ng access ang mga Pilipinong mangingisda sa bahagi ng Scarborough o Panatag Shoal.
Kinumpirma ng pinuno ng National Institute for South China Sea, Wu Shicun na may nilulutong bilateral deal sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ani Wu ang kasunduan ay maituturing na “wholesale deal” pagamat patuloy itong pinag-aaralan ng Beijing.
Dagdag pa ni Wu, kapag nabuo ang kasunduan ay makakapasok na ang mga mangingisdang Pinoy sa nasabing lugar para makapangisda.
Sa ngayon kasi, tanging sa paligid lamang ng Panatag Shoal pinapayagan ang mga Filipino fishermen.
Kabilang si Wu sa Chinese team na nagsusulong para maibalik ang magandang ugnayan ng China at Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.