Bagyong Marce, bahagyang lumakas

By Chona Yu November 26, 2016 - 12:13 PM

updated pagasaBahagyang lumakas ang Bagyong Marce.

Ito ay kahit na palabas na ng bansa ang bagyo.

Ayon sa pagasa, as of 10 am, nasa 335 kilometers west ng Calapan City, Oriental Mindoro ang bagyo.

Taglay ni Marce ang hangin na 75 kilometers per hour at pagbugso ng 95 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour northwest direction.

Ibinaba na ng PAGASA ang lahat ng Tropical Cyclone Warning Signal sa bansa.

Gayunman, patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Isabela, Aurora at Quezon kung kaya’y pinag-iingat ang mga residente sa flashfloods at landslides.

Makararanas din ng pag-ulan ang Metro Manila at ang Northern at Central Luzon.

Bukas ng umaga, tuluyan nang lalabas ng Pilipinas ang Bagyong Marce.

 

TAGS: Bagyong Marce, Calapan City, Oriental Mindoro, Pagasa, Bagyong Marce, Calapan City, Oriental Mindoro, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.