1 patay sa 6.5 magnitude na lindol sa China

Photo courtesy: US Geological Service map
Photo courtesy: US Geological Service map

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang bulubunduking bahagi sa dulong kanluran ng China biyernes ng gabi.

Isa na ang naitalang patay nang gumuho ang isang bahay habang anim na gusali ang nasira.

Ayon sa US Geological Survey ang lindol ay naitala sa Southern Xinjiang at may lalim na 12 kilometro.

Iniulat naman ng National Disaster Management Authority sa nasabing bansa na ang pagyanig ay naramdaman din sa bahagi ng Pakistan.

 

Read more...