Vitangcol, de Vera, sinampahan na ng kaso sa umano’y extortion attempt
Nagsampa na ng kaso laban kina Metro Rail Transit 3 general manager Al Vitangcol at Philippine Trans Rail Management and Services Corp. (Ph Trams) executive Wilson de Vera bunsod ng umano’y extortion attempt sa isang Czech firm sa Sandiganbayan Sixth Division kahapon.
Sa unang pahina ng charge sheet, inakusahan si Vitangcol sa pagpapadala kay De Vera upang mag-alok sa Inekon Group para sa suplay ng Light Rail Vehicles sa Lot 1 ng MRT-3 Capacity Expansion Project.
Nagkakahalaga ng 30 milyong dolyar ang nasabing alok sa mga representante sa mismong bahay ni dating Czech Ambassador Josef Rychtar sa Forbes Park noong July 9, 2012.
Ayon sa mga taga-usig, agad na tumanggi ang mga representate ng nasabing firm group hanggang sa ibinaba na lang ni De Vera ang halaga sa $2.5 million matapos makausap si Vitangcol sa telepono.
Tinanggihan muli ng Inekon at sinabihan umano sila ni De Vera na pag-isipan muli ang nasabing alok at nanggipit upang maipasok ang 60-40 sharing agreement noong July 10, 2012.
Sa kabila nito, inulit umano ni Vitangcol ang alok sa isang meeting kasama ang Inekon, si Rychtar at De Vera sa mismong opisina nito.
Sinabi ng mga taga-usig na patuloy na tumanggi ang Inekon at sinabihan pa si Vitangcol at De Vera na ang sila lang magkakaroon ng benepisyo sa nasabing alok.
Ang nasabing panukala ay para sa maintenance contract ng MRT-3 line simula nang matapos ang kontrata nito sa Sumitomo Corp.
Samanatala, nahaharap sina Vitangcol at De Vera sa kasong paglabag sa Section 3(b) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.