Show-cause order ng Kamara kay De Lima, ipinagtanggol ni Alvarez

By Kabie Aenlle November 26, 2016 - 05:45 AM

alvarez-de-lima-file-0722-620x349Dinipensahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kautusan ng Kamara kung saan pinagpapaliwanag nila si Sen. Leila de Lima kung bakit nito pinigilan ang dating driver at karelasyon na si Ronnie Dayan na humarap sa kanilang mga pagdinig.

Taliwas sa paalala ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat pairalin ng Kamara ang “interparliamentary courtesy,” iginiit ni Alvarez na si De Lima ang nakikialam sa mga ginagawa ng Kamara.

Ayon kay Alvarez, sang-ayon siya sa hakbang ni House committee on justice chair Rep. Reynaldo Umali na maglabas ng show-cause order bilang banta kay De Lima na maari siyang ma-cite in contempt sakaling hindi pa siya sumunod.

Giit pa ni Alvarez, kailangan nang magpakita ni De Lima sa Kamara para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat ma-cite in contempt.

Matatandaang sa pagharap ni Dayan sa pagdinig ng Kamara noong Huwebes, ipinakita ng anak nito ang Viber message ni De Lima na nagpa-payo kay Dayan na huwag siputin ang hearing at mag-tago na lang muna.

Paliwanag ni Alvarez, ang ginawa ni De Lima ay katumbas na ng pakikialam sa mga proceedings ng Kamara, at ito mismo ay maituturing nang contemptuous.

Samantala, una naman nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na maaring kasuhan ng pamahalaan si De Lima ng obstruction of justice at ng concubinage dahil sa pakikisama sa lalaking may asawa sa loob ng pitong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.