200 pamilya sa Capiz, inilikas dahil sa bagyong Marce

By Kabie Aenlle November 26, 2016 - 04:43 AM

pagasa 11pmTinatayang nasa 1,000 residente o 200 pamilya ang kinailangang ilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa pagbabahang dulot ng bagyong “Marce.”

Apektado ng bagyo ang mga residente sa mga bayan ng Maayon, Tapaz, Panay, Dao, Sigma, Ivisan at Dumalag, pati na sa ROxas CIty.

Ayon kay provincial disaster risk reduction and management office (PDRRMO) executive officer Esperedion Pelaez, binaha rin ang mga palayan sa bayan ng Cuartero, Maayon at Mambusao.

Samantala, ayon naman sa coast guard sa Iloilo, nasa 60 mga bangka rin ang nasira dahil sa malalakas na hangin at malalaking alon.

Pansamantala namang inihinto ang paglalayag ng mga motorboats sa pagitan ng Iloilo at Guimaras Island pasado alas-2:00 ng hapon kahapon, ngunit pinayagan na rin pagdating ng alas-6:00 ng gabi sa kundisyong dapat 75 percent lang ng capacity ng bangka ang isasakay nitong pasahero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.