Sa 8PM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Coron, Palawan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 17 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.
Nabawasan naman na ang mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signals.
Ayon sa PAGASA, ang signal number ay nakataas na lang sa Calamian Group of Islands at signal number 1 sa Occidental Mindoro at Northern Palawan kabilang ang Cuyo Island.
Sa Linggo ng tanghali inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.
Samantala, sa abiso ng PAGASA, alas 7:58 ng gabi, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan na hatid ng bagyong Marce.
Orange rainfall warning ang umiiral sa Iloilo habang yellow rainfall warning naman sa Capiz at Guimaras.