Magtatatlong buwang gulang na sanggol, inabandona ng sariling ina sa NAIA
Isang sanggol na magtatatlong buwan pa lamang ang inabandona ng kaniyang sariling ina sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa media affairs ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang sanggol na si Ahsan Lastima, lalaki at ipinanganak nonog August 30, 2016 ay inabandona ng kaniyang ina na si Vilma Pacilbas Lastina, 36 anyos.
Dumating ang mag-inang Lastima sa NAIA terminal 1, alas onse ng gabi ng November 24.
Nanatili lamang umano ang mag-ina sa arrival area at kaninang umaga, kinausap ni Lastima ang pasaherong si Myrna Pasacao Bonaobra.
Ayon kay Bonaobra, nakisuyo sa kaniya si Lastima na hawakan muna ang bata saglit.
Tiwala naman si Bonaobra na babalik si Lastima para kunin ang anak, dahil iniwan pa nito ang kaniyang pasaporte at travel documents ng sanggol.
Gayunman, hindi na bumalik pa ang ina para kunin ang kaniyang anak.
Dinala muna sa DSWD office si Baby Ahsan kung saan siya pansamantalang aalagaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.