Anti at Pro-Marcos protesters, nagkaharap sa Rizal Park
Bagaman mas marami ang bilang ng mga lumahok sa tinaguriang Black Friday Protest, hindi nagpapigil ang ilang pro-Marcos at pro-Duterte na magtungo sa Rizal Park.
Nakaharap ng ilang grupo na nagpakilalang supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malaking bilang ng mga tutol sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.
Bagaman may mga pulis na pumagitna sa dalawang grupo, nagawa pa ring magkalapit ng mga ito.
Dalawang lalaki pa ang debate hinggil sa ginawang deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
"Duterte Youth" group protest on the other side of Luneta pic.twitter.com/1Rfxf2hNEV | @KSabilloINQ #MarcosNOTaHero #marcosnohero #MarcosBurial
— Inquirer Metro (@InqMetro) November 25, 2016
Anti-Marcos protesters come and go at Luneta pic.twitter.com/sBI7YhFcJl | @KSabilloINQ #MarcosBurialProtest #MarcosNOTaHero #marcosnohero
— Inquirer Metro (@InqMetro) November 25, 2016
Ilan naman sa mga personalidad na nakilahok sa Black Friday Protest ay si dating Senador Rene Saguisag na survivor noong martial law.
Si Mae Paner alyas Juana Change na naka-disguise bilang si dating unang Ginang Imelda Marcos.
"Marcos pa rin…" Juana Change as Imelda Marcos sings pic.twitter.com/1kSyOt8mnQ #MarcosBurialProtest #MarcosNOTaHero #marcosnohero
— Inquirer Metro (@InqMetro) November 25, 2016
Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes, bago mag alas 7:00 ng gabi, umabot na sa labinglimang libo ang tao sa grandstand.
— Kristine Sabillo (@KSabilloINQ) November 25, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.