Ayon kay Sen. Grace Poe ang nasabing pagdinig ay isang “national voyeurism.”
Dagdag pa ni Poe, naiintindihan niya na maraming mga bagay ang dapat imbestigahan pero hindi na dapat na natalakay ang mga personal na bagay sa pagdinig.
Sa panig naman ni Sen. Risa Hontiveros, kanyang sinabi na “hit a lowest of the low” ang naging pagdinig ng House of Representatives.
Iginiit ni Hontiveros na malinaw ang naging intensiyon sa House Inquiry kung saan ang naging pagtatanong mg mga kongresista ay hindi nakatuon sa isyu ng drug trade kung hindi sa pagpapahiya kay De Lima sa kanyang naging relasyon.
Kaugnay nito sa naging pagdinig nanawagan si Rep. Harry Roque sa Senado na tanggalin na si De Lima para mapanatili ang integridad ng naturang institusyon
Nauna ng sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel, na hindi nila pwedeng diktahan ang Kongreso kung ano ang gagawin kay De Lima.