UFC Belt ni Ronda Rousey, ibinigay sa mga estudyante ng Judo sa Rio de Janeiro
Iniregalo ng UFC Bantamweight Champion na si Ronda Rousey ang kanyang Bantamweight title belt sa mga estudyante ng ng isang Judo School sa Rio de Janeiro, Brazil.
Pangako ito ni Rousey bago ito sumabak sa laban kay Bethe Correia.
Nagtungo si Rousey sa naturang training school at ibinigay ang gold at leather belt.
Makikita sa Instagram Account ang post ni Rousey tungkol dito.
Bagaman sumasabak sa Mixed Martial Arts sa Ultimate Fighting Championships, kilala si Rousey sa pagiging mabait at mapagbigay nito.
Matatandaang nitong nakaraang Linggo, tagumpay na nadepensahan ni Rousey ang bantamweight title nang pabagsakin nito si Correia sa pamamagitan ng sunud-sunod na punch combination sa loob lamang ng 34 segundo.
Dahil sa pagkapanalo ni Rousey, nananatiling undefeated ang MMA champion sa score na 12-0./ Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.