Red rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Iloilo
Dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Marce, itinaas na ng PAGASA ang red rainfall warning sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon sa 4:58PM update mula sa PAGASA, torrential ang naranasang pag-ulan sa nasabing lalawigan sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal ang buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.
Samantala, orange rainfall warning naman ang nakataas sa Capiz at Guimaras.
Ayon sa PAGASA nagbabadya ang pagbaha sa mabababang lugar at maari ding magkaroon ng landslides sa mga bulubunduking bahagi ng dalawang lalawigan.
Yellow rainfall warning naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Negros Occidental, Aklan at Antique at nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.