Bagyong Marce napanatili ang lakas, signal #2 nakataas sa 8 lugar

Napanatili ng tropical storm Marce ang lakas nito at ngayon ay nasa bahagi na ng Western Coast ng Northern Antique.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 90 kilometers West Southwest ng Roxas City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 110 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 22 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Romblon, Calamian Group of Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro, Iloilo, Capiz, Aklan at Northern Antique.

Habang signal number 1 naman ang nakataas sa Northern Palawan, Cuyo Island, nalalabing bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro, Lubang Island, Masbate, Burias Island, Ticao Island, Negros Occidental, nalalabing bahagi ng Antique at Guimaras.

 

 

Read more...