Patay sa pagguho sa itinatayong cooling tower sa power plant sa China, umabot na sa 74
Umabot na sa 74 ang patay sa gumuhong scaffolding sa itinatayong power plant sa eastern China.
Itinatayo ang cooling tower para sa power plant sa Fengcheng sa Jiangxi province nang gumuho ang scaffolding dahilan para mabagsakan ang mga trabahador.
Aabot sa 500 rescuers ang nagtulong-tulong na kinabibilangan ng paramilitary police officers para maalis ang debris,
Nanawagan naman si Chinese President Xi Jinping sa mga local governments na tiyaking maayos ang seguridad ng mga manggagawa sa mga industriya na kanilang nasasakupan para maiwasan ang aksidente.
Nitong nagdaang mga buwan, nagkasunud-sunod ang insidente ng industrial accident sa China.
Nitong buwan lang din ng Nobyembre, 33 minero ang nasawi sa gas explosion sa coal mine sa Chongqing.
Noon namang 2014 may naganap na dust explosion sa metal production workshop na ikinasawi ng 146 na katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.