Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang 1,200 na Chinese Nationals dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa isang recreation facility sa Clark, Pampanga.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kaninang alas 2:00 ng madaling araw, umabot na sa 1,240 na Chinese ang nadakip nila.
Ang mga tauhan ng Fugitive Search Unit ng ahensya ang nagsagawa ng operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP).
Pawang nagtatrabaho umano ng ilegal at walang karampatang work permit ang mga dayuhan sa Fontana resort complex.
Sa ngayon, isinasailalim na sa beripikasyon ang pasaporte ng nasabing mga dayuhan.
Bantay-sarado naman sila ng mga tauhan ng Special Action Force.
MOST READ
LATEST STORIES