Riding-in-tandem, umatake sa Caloocan; 2 bata tinamaan ng ligaw na bala

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2016 - 10:52 AM

Contributed Photo by Patrick Valisno
Contributed Photo by Patrick Valisno

Dalawang bata ang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa bigong pagpatay ng riding-in-tandem sa kanilang target sa Caloocan City.

May tinarget ang mga suspek sa Barangay 68 sa Caloocan, pero dalawang bata na ang edad ay parehong sampung taong gulang ang kapwa tinamaan ng ligaw na bala.

Ang dalawang bata kabilang ang target ng riding-in-tandem ay pawang ginagamot sa ospital.

Naganap ang insidente sa C. Cordero Street kagabi.

Hinihinala umanong sangkot sa ilegal na droga ang lalaking target sana ng riding-in-tandem.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Wala ring nakakuha sa plaka ng motorsiklong kanilang ginamit at wala ring CCTV sa lugar.

 

 

TAGS: caloocan, Shooting Incident, stray bullet, caloocan, Shooting Incident, stray bullet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.