Sa abiso ng PAGASA, alas 9:00 ng umaga nang itaas ang yellow warning level sa Quezon, Batangas at Laguna.
Binalaan din ng weather bureau ang mga residente na nakatira sa mabababang lugar sa tatlong lalawigan na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Samantala, sa loob ng susunod na tatlong oras, sinabi ng PAGASA na maaapektuhan na rin ng light to moderate rains na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila, Pampanga, Bataan, Cavite, Rizal at Bulacan.
Maliban sa pagbaha, sinabi ng PAGASA na dapat ding mag-ingat ang mga residente sa posibleng landslides.
Sa lalawigan nman ng Catanduanes ay nakararanas din ng malakas na pag-ulan.
Mamayang alas 12:00 ng tanghali ay muling magpapalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.