Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa tatlong lalawigan sa CALABARZON

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2016 - 10:23 AM

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa tatlong lalawigan sa Region 4-A dahil sa nararanasang patuloy at malakas na pag-ulan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 9:00 ng umaga nang itaas ang yellow warning level sa Quezon, Batangas at Laguna.

Binalaan din ng weather bureau ang mga residente na nakatira sa mabababang lugar sa tatlong lalawigan na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Samantala, sa loob ng susunod na tatlong oras, sinabi ng PAGASA na maaapektuhan na rin ng light to moderate rains na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila, Pampanga, Bataan, Cavite, Rizal at Bulacan.

Habang alas 9:48 ng umaga, yellow rainfall warning din ang nakataas sa mga lalawigan ng Capiz, Iloilo, Aklan, Antique, Guimaras at Negros Occidental.

Maliban sa pagbaha, sinabi ng PAGASA na dapat ding mag-ingat ang mga residente sa posibleng landslides.

Sa lalawigan nman ng Catanduanes ay nakararanas din ng malakas na pag-ulan.

Mamayang alas 12:00 ng tanghali ay muling magpapalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.

 

 

TAGS: heavy rainfall warning, Marce, pagasa, weather, heavy rainfall warning, Marce, pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.