Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, nananatiling nakataas ang public storm warning signal number 2 sa siyam na lugar sa bansa, gayunman, nabawasan na ang mga lugar na nasa ilalim ng public storm warning signal number 1.
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa 15 kilometers North Northeast ng Roxas City, Capiz, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 110 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 22 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Sa ngayon nakataas pa rin ang storm warning signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:
(LUZON)
Romblon
Calamian Group of Islands
Southern Occidental Mindoro
Southern Oriental Mindoro
(VISAYAS)
Northern Negros Occidental
Iloilo
Capiz
Aklan
Northern Antique
Habang signal number 1 naman ang nakataas sa:
(LUZON)
Northern Palawan
Cuyo Island
Rest of Oriental Mindoro
Rest of Occidental Mindoro
Lubang Island
Masbate
Burias Island
Ticao Island
(VISAYAS)
Biliran
Northern Cebu
Bantayan Island
Camotes Island
Negros Oriental
Rest of Antique
Guimaras
Sa Linggo ng umaga o tanghali inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.