Hinihinalang human trafficker, arestado sa NAIA; 6 na biktima ang nailigtas

By Erwin Aguilon November 25, 2016 - 08:16 AM

NAIA Terminal 2 | File Photo
NAIA Terminal 2 | File Photo

Arestado ang isang sinasabing miyembro ng sindikato ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport matapos tangkain na magpaalis ng anim na babaeng biktima na napanggap bilang mga turista.

Ayon kay Immigration Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang, napigilan ng kanilang mga tauhan ang tangkang operasyon ng human trafficking bago makasakay ang suspek at ang mga biktima sa eroplano ng Philippine Airlines na may flight patungong Hong Kong sa NAIA Terminal 2.

Sa isinagawang pagtatanong sa mga biktima, umamin ang mga ito na ang aktwal nilang destinasyon ay Dubai at sila ay magtatrabaho doon bilang mga kasambahay.

Aminado rin ang mga biktima na bitbit ng kasama nilang lalaking escort ang kanilang visa patungo ng United Arab Emirates.

Matapos ang pagtatanong, inilipat na ang mga biktima at suspek sa kustodiya ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa paghahain ng kaukulang reklamo.

 

TAGS: dubai, human trafficking, NAIA terminal 2, dubai, human trafficking, NAIA terminal 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.