100 ang patay sa truck bomb sa Iraq

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2016 - 07:03 AM

baghdadAabot na sa 100 ang patay sa pagsabog ng truck sa isang gasolinahan sa Baghdad Iraq.

Sa ulat ng Reuters, karamihan sa mga nasawi ay pawang Iranian Shi’ite Pilgrims.

Ang Sunni militant group ng Islamic State ang umako sa pag-atake batay sa inilabas nilang statement online.

Ang gasolinahan kung saan naganap ang truck bomb ay mayroong restaurant na popular sa mga biyahero.

Wasak na wasak ang gasoline station matapos ang pagsabog at maraming sasakyan ang nasunog.

Kinondena naman ng Iran Foreign Ministry at ng pamahalaan ng Estados Unidos ang nasabing pag-atake.

 

TAGS: baghdad iraq, ISIS, truck bomb, baghdad iraq, ISIS, truck bomb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.