El Salvador, niyanig ng magnitude 7.0 na lindol
Malakas na magnitude 7.0 na lindol angyumanig sa Pacific coast ng El Salvador.
Naganap ang pagyanig sa 149 kilometers south-southwest ng port of El Triunfo alas 12:43 ng tanghali doon, alas 2:43 naman ng madaling araw oras sa Pilipinas.
Ayon kay Lina Pohl, environment minister ng El Salvador, wala pa namang napapaulat na pinsala na dulot ng nasabing lindol.
Gayunman, nag-isyu sila ng tsunami alert at binalaan ang mga residente sa baybaying dagat sa posibilidad na pagtaas ng alon na aabot sa tatlong metro.
Maging ang Nicaragua na malapit lamang sa epicenter ng lindol ay nagpalabas din ng tsunami alert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.