Pamilya ng mga napatay na sundalo sa laban, may pabahay – AFP

August 06, 2015 - 04:29 PM

AFP logoOtomatiko nang makakatanggap ng bagong bahay ang mga dependents ng mga sundalo na mapapatay sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Ayon kay AFP Spokesman Col. Noel Detoyato, ito ay sa oras na maipatupad na ang Killed In Action Off-base Housing Program.

Sinabi ni Detoyato na kinumpirma na ng Presidential Management Staff na nagpalabas na ng resolusyon ang Board of Directors ng National Housing Authority (NHA) noon pang nakaraang Marso para sa housing assistance sa mga masasawing sundalo at pulis sa mga operasyon.

Ayon pa kay Detoyato, inatasan na ang major services ng AFP na makipag-ugnayan sa mga dependents ng mga nasawing sundalo na makipag-ugnayan sa AFP Housing Management Division.

Nabatid na ang kailangan lang na isumite ng mga dependents ay ang kanilang mga pangalan, address at kung saan sa mga housing projects ni Pangulong Noynoy Aquino nais nilang magkaroon ng sariling bahay.

Samantala, ayon kay AFP Chief of Staff General Hernando Irriberi na ang programang ito ay patunay na lubos na pinahahalagahan ng gobyerno ang mga sundalo./ Jan Escosio

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.