Base sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 105 kilometro ang layo sa north northeast ng Lapu-Lapu City, Cebu..
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour, pagbugsong umaabot sa 95 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 19 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.
Inaasahang nakakaranas ng moderate to heavy na ulan sa mga lugar na nasa loob ng 300 kilometer diameter ng bagyo.
Sa Luzon, nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Romblon, Northern Palawan including Cuyo and Calamian Group of Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro including Lubang Island at Masbate kasama na ang Ticao Island.
Sa Visayas, nakataas ang signal number 1 sa mga lalawigan ng Biliran, Samar, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu including Bantayan and Camotes Islands, Negros Oriental, Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at Guimaras.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi (November 27) o umaga ng Lunes (November 28).