Ronnie Dayan, balik-Pangasinan na

 

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Nakabalik na sa Pangasinan si Ronnie Dayan, ang dating bodyguard at nakarelasyon ni senador Leila De Lima.

Dakong alas 10:30 ng gabi, dumating ang convoy na lulan si Dayan sa Pangasinan Police Provincial Office kung saan ito namalagi sa magdamag.

Opisyal na itinurn over sa kustodiya ni Supt. Ronald Lee, Pangasinan police provincial director at isinalang sa medical examination.

Wala pang impormasyon kung hanggang kailan mananatili si Dayan sa kustodiya ng mga pulis-Pangasinan.

Kahapon, sumalang sa pagtatanong ng mga kongresista si Dayan kaugnay sa umano’y nalalaman nito sa pagtanggap umano ng drug money ni dating Justice Secretary De Lima mula sa mga convicts na nakakulong sa New Bilibid Prisons.

Read more...