NBI Bohol, nais tumulong sa PNP sa kampanya kontra iligal na droga

 

Kusang nagpahayag ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bohol, na pagnanais na tumulong sa Philippine National Police (PNP) sa pag-sugpo sa laganap na problema ng iligal na droga.

Ayon sa kanila, nauunawaan nila ang hirap ng gawaing ito dahil na rin sa mismong naranasan nilang pag-sugpo sa parehong problema sa kanilang lalawigan.

Base sa kanilang record, nasa 100 suspek ng iligal na droga na ang kanilang naaresto, habang nasa P5 milyon na ang halaga ng iligal na drogang nakumpiska nila mula noong Enero ng taong kasalukuyan.

Naka-aresto rin ang nasabing satellite office ng NBI ng mga drug pushers na mula pa sa mga probinsya ng Cebu, Leyte, Davao, Bukidnon, Agusan at Misamis.

Ayon kay NBI-Bohol chief Atty. Rennan Augustus Oliva, umaasa silang maari nilang matulungan ang PNP na puksain ang problema ng iligal na droga sa kanilang isla.

Lagi aniya kasing ginagamit na trans-shipment point ang Bohol dahil konektado ito sa Cebu, Leyte at mga lalawigan ng Mindanao.

Read more...