Truck bomb pinasabog sa gasolinahan sa Iraq, 80 patay

By Jay Dones November 25, 2016 - 04:32 AM

 

Mula sa Samaa TV

Hindi bababa sa 80 katao ang nasawi samantalang maraming iba pa ang nasugatan nang magpasabog ng isang truck bomb ang mga miyembro ng ISIS sa isang gasolinahan sa syudad ng Hilla sa Iraq.

Karamihan sa mga nasawi ay mga pilgrim mula sa Iran.

Pabalik na sana ang mga biktima mula sa bayan ng Kerbala sa Iraq matapos dumalo sa pilgrimage nang maganap ang suicide attack.

Puno noon ang naturang gasolinahan at mga katabing restaurant at iba’t-iba pang mga establisimiyento ng mga bisita at turista.

Kabilang sa sumabog at sumambulat dahil sa lakas ng pagsabog ang limang tourist bus na puno ng mga pilgrims.

Inako na ng ISIS ang naturang pagpapasabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.