Libu-libong katao, inilikas sa Israel dahil sa forest fire
Kinailangan nang ilikas ng mga otoridad ang libu-libong katao, at nagtawag na rin sila ng daan-daang military reservists upang magtulung-tulong na apulahin ang malaking sunog na kumakalat sa lungsod ng Haifa sa Israel.
Ayon sa ulat ng pulisya, nasa walong neighborhoods ang inilikas dakong hapon, dahil kumalat na sa buong lungsod ang usok na dulot ng sunod.
Hindi naman bababa sa 17 katao ang dinala sa ospital makaraang makalanghap ng usok.
Ipinakalat na sa buong lungsod ang mga pulis at bumbero, habang ang mga residente ay madaliang umalis sa kanilang mga bahay at binitbit ang kanilang mga gamit sa pamamagitan ng mga supermarket carts.
Ito na ang ikatlong araw ng pag-laganap ng forest fire sa Israel, na umabot na sa Haifa city at naging dahilan ng pagsasara ng Jerusalem-Tel Aviv Highway.
Madaling kumalat ang apoy dahil sa tuyong panahon at malakas na hangin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.