Bagyong “Marce,” napanatili ang lakas habang tumatawid sa Leyte
Napanatili ng bagyong “Marce” ang lakas nito habang tinatawid ang probinsya ng Leyte.
Base sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa Leyte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour, at bilis ng pagkilos na 19 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.
Inaasahang nakakaranas ng moderate to heavy na ulan sa mga lugar na nasa loob ng 300 kilometer diameter ng bagyo.
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Romblon, Northern Palawan including Cuyo and Calamian Group of Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro including Lubang Island at Masbate.
Gayundin sa Biliran, Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu including Bantayan and Camotes Islands, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at Guimaras
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi (November 27) o umaga ng Lunes (November 28).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.