Artist sketch ng pumatay sa BIR Regional Director ng Makati, inilabas na ng QCPD

By Ruel Perez November 24, 2016 - 08:20 PM

BIR sketch
Kuha ni Ruel Perez

Inilabas na ng Quezon City Police District (QCPD) ang artist illustration ng gunman at suspek sa pagpatay sa Regional Director ng Bureau of Internal Revenue ng Makati City na si Jonas Amora na pinagbabaril sa Katipunan noong Lunes.

Sa press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni QCPD Dir. C/Supt. Guillermo Eleazar na nahirapan sila na makapaglabas ng artist sketch lalo na at naka-helmet ang gunman ng nakunan ng CCTV.

Pero paliwanag ni Eleazar, may mga kuha ang gunman sa CCTV bago ang insidente at iyon ang pinagbasehan ng artist sketch maliban pa umano sa paglalarawan ng mga testigo.

Kaugnay nito, nanawagan si Eleazar sa publiko na kaagad tumawag o ipagbigay alam sa QCPD kung may nakakakilala sa nabanggit na suspek para matuldukan na ang kaso.

Sa ngayon blangko pa rin ang QCPD sa motibo ng pagpatay sa opisyal pero ikinukunsidera nila ang lahat ng posibleng anggulo sa krimen.

Nauna rito, naglaan ang Department of Finance ng isang milyong pisong reward para sa ikaaaresto ng suspek kabilang ang driver ng motorsiklo na sinakyan ng gunman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.