Ronnie Dayan, magiging ‘free-man’ na pagkatapos ng imbestigasyon ng Kamara sa Bilibid drug trade

Ronnie Dayan
Kuha ni Louie Ligon

Palalayain na si Ronnie Dayan, sa oras na matapos ang imbestigasyon ng House Justice Panel, ukol pa rin sa Bilibid drug trade.

Nagmosyon si House Deputy Speaker Gwen Garcia na mapalaya si Dayan, kapag natapos na ang Bilibid probe.

Sa paliwanag ni House Justice Panel chairman Rey Umali, sa dalawang araw at dalawang gabing pananatili ni Dayan sa detention room nito sa loob ng Batasan Pambansa ay malaki-laki na rin aniya ang nagastos ng Kamara.

Para naman kay Ako Bicol PL Rep. Alfredo Garbin, wala nang rason para manatili sa kustodiya ng Kapulungan si Dayan, na inaresto lamang dahil sa warrant of arrest bunsod ng hindi pagdalo sa mga naunang Bilibid probe.

Umapela naman si Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil kay PNP Chief Bato dela Rosa na bigyang proteksyon si Dayan, matapos ang pagpapalaya sa kanya ng Kamara.

Ganito rin ang hiling ni Pangasinan Rep. Baby Arenas.

Sa botohan, inaprubahan ng House Justice Committee ang mosyon na maging ‘free-man’ na si Dayan kapag natuldukan na ang Bilibid investigation.

Isasailalim na rin sa Dayan sa conditional admission sa Witness Protection Program o WPP.

Sinabi naman ni Dayan na oras na makalaya na siya ay uuwi muna siya sa Pangasinan para makita at makasama ang iba pa niyang anak.

Read more...