Bird flu alert status, itinaas sa South Korea, dahil sa panibagong kaso ng sakit

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2016 - 12:17 PM

Bird FluMatapos makapagtala ng tatlong panibagong kaso ng bird flu o H5N6 strain matapos may makumpirmang limang kaso noong nakaraang linggo.

Sa abiso ng Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs ng South Korea, ang dalawa sa bagong kaso ng bird flu ay nadisukbre sa dalawang duck farms sa Central at Southwestern Region.

Lahat umano ng 30,500 na bibe sa nasabing farm ay kinatay na para makatiyak na hindi na makapagkakalat pa ng sakit.

Habang ang isa pang kaso ay natuklasan sa chicken farm sa Yangju City sa Seoul.

Ayon pa sa ministry, dalawa pang poultry farms sa iba pang bahagi ng South Korea ang kanilang sinusuri.

Dahil dito, mula sa “alert” ay itinaas na sa “caution” ang antas ng alerto ng bird fle dahil nadaragdagan ang mga farm na nag-uulat ng hinihinalang kaso ng sakit.

Sa kabuuan, umabot na sa 510,000 na mga ibon ang nakatay para maiwasan ang pagkalat ng virus, ito ay katumbas ng 1% ng poultry population ng South Korea na nasa 84.7 million.

 

 

TAGS: Bird Flu, south korea, Bird Flu, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.