Dayan: “Limang beses akong tumanggap ng pera mula kay Kerwin, para kay De Lima”

By Dona Dominguez-Cargullo, Isa Avendaño-Umali November 24, 2016 - 12:13 PM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Kinumpirma ni Ronnie Dayan ang pagtanggap niya ng pera mula kay Kerwin Espinosa na aniya ay para kay Senator Leila De Lima.

Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng House Justice Committee, sinabi ni Dayan na limang beses siyang ng nakatanggap ng pera mula kay Kerwin at iyon ay para kay De Lima noong panahon na ito ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).

Pero ayon kay Dayan, hindi niya binibilang at hindi rin sinasabi ni Kerwin kung magkano ang perang kaniyang iniaabot.

Unang beses aniyang nagkaabutan sila ni Kerwin ay noong August 2014, na nasundan noong October 2014 at November 2014.

Kinumpirma din ni Dayan na nagka-abutan din sila ng pera ni Kerwin sa Baguio City noong November 22, 2014 at kasama niya noon si De Lima.

Ang unang apat na pagkikita nila ni Kerwin ay sa Mall of Asia naganap at sa lahat ng pagkakataon, mismong si Kerwin aniya ang nag-aabot sa kaniya ng pera na madalas ay nakalagay sa maliit na paper bag.

Pagdating na aniya nila ni De Lima sa bahay at saka niya iaabot dito ang pera sa kwarto.

Sinabi rin ni Dayan sa unang beses nilang pagkikita ni Kerwin ay hindi nila alam ang pangalan ng isa’t isa, at sa ikalawang pagkakataon na sila ay nagkita doon lamang sila nagtanungan ng pangalan.

Hindi rin umano niya alam noon na drug lord si Kerwin at ang pagkaka-alam niya ay engineer ito.

May mga pagkakataon kasi aniya na binaggit sa kaniya ni De Lima na may nagbigay dito ng Starex na isang engineer.

“Sabi ko sa kaniya, ‘bago na naman iyung sasakyan ninyo Ma’am ha?’ Ang sagot niya, ‘oo, bigay ng…. supporters ko. Tapos may bago siyang Fortuner na puti, nung tinanong ko, sabi niya ay bigay ni engineer iyan,” nakasaad sa affidavit ni Dayan.

 

 

 

TAGS: house justice committe, Kerwin Espinosa Jr, leila de lima, ronnie dayan, house justice committe, Kerwin Espinosa Jr, leila de lima, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.