P1M reward money natanggap na ng nagturo sa kinaroroonan ni Ronnie Dayan

By Isa Avendaño-Umali November 24, 2016 - 09:57 AM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Nai-turnover na ang isang milyong pisong reward para sa nakapagturo kay Ronnie Dayan, na mahigit isang buwang nagtago sa mga otoridad.

Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption o VACC spokesperson Boy Evangelista, isinagawa ang turn over sa mismong reopening ng imbestigasyon ng House Justice Panel ukol sa Bilibid drug trade ngayong araw.

Ibinigay nina Atty. Ferdinand Topacio at Evangelista ang pera kay alyas “Francisco” – 54 anyos.

Matatandaang ang isang milyong piso reward ay nabuo para sa ikadarakip ni Dayan, na may warrant of arrest dahil sa kabiguang dumalo sa Bilibid congressional probe.

 

Samantala, maagang dumating ang mga resource person sa Belmonte hall para sa nasabing pagdinig.

Kabilang sa mga naunang nagdatingan sa kamara ay sina PNP Chief Bato dela Rosa, PNP General Benjamin Magalong, PAO chief Persida Rueda Acosta, mga taga-VACC at iba pa.

Mahigpit ang seguridad na ipinatupad dahil ito ang unang pagharap ni Dayan sa pagsisiyasat ng Kamara.

Pagkatapos naman ng imbestigasyon ay freeman na si Dayan.

Nauna nang ininguso ng mga drug lord si Dayan na kumukubra raw ng milyon-milyong pisong salapi, para raw sa kanyang amo at kasintahan noon na si dating DOJ Sec. At ngayo’y Senadora Leila De Lima.

 

 

 

TAGS: Bilibid Probe, drugs, house justice committee, ronnie dayan, Bilibid Probe, drugs, house justice committee, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.